^

PSN Opinyon

Babae, nagpasaklolo sa ospital matapos maipit ang kanyang kamay sa bibig ng boyfriend!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

HINDI inaasahan ng isang magkasintahan sa China na mauuwi sa ospital ang kanilang paggawa ng online content matapos maipit ang kamay ng dalaga sa bunganga ng kanyang nobyo habang sinusubukang gawin ang isang social media challenge.

Sa viral video na kumalat sa Chinese social media, makikita ang isang babae na naglalakad papasok sa emergency room ng isang ospital sa Jilin Province habang ang kanyang kamao ay nasa bibig ng kanyang boyfriend!

Ayon sa ulat, sinubukan ng dalawa na gawin ang tinatawag na “hand-eating challenge,” kung saan ibubukang mabuti ng lalaki ang kanyang bibig habang sinusubukan ng babae kung kasya rito ang kanyang kamao.

Sa simula, tila matagumpay ang kanilang video stunt, hanggang sa magkaproblema sila nang hindi na maalis ang kamay ng babae.

Biglang nanginig ang panga ng lalaki at hindi na niya naibuka muli ang kanyang bibig. Lalong lumala ang sitwasyon nang magsimulang dumaloy ang laway ng binata habang namumula at hirap huminga.

Samantala, ang babae naman ay napasigaw sa sakit dahil tila hindi na niya maigalaw ang kanyang kamay na naipit sa bibig ng nobyo.

Dahil sa matinding pag-aalala, agad silang nagtungo sa ospital kung saan nagulantang ang mga doktor at pasyente sa kanilang kakaibang kalagayan.

Ipinaliwanag ni Dr. Zhang Mingyuan, ang doktor na sumuri sa kanila, na nagkaroon ng muscle spasm sa panga ng lalaki, dahilan para hindi na ito bumuka. “Kapag sumasakit ang panga, mas lalo itong kumakapit sa nakasuksok na bagay, at sa kasong ito, ang kamay ng dalaga,” paliwanag niya.

Upang matanggal ang kamay ng babae nang hindi napi­pinsala ang panga ng binata, nagpatugtog muna ng relaxing music ang mga doktor upang pakalmahin ang dalawa.

Kasunod nito, ginamitan ng muscle relaxant ang panga ng lalaki at dahan-dahang ginamit ang isang espesyal na instrumento upang paluwagin ito. Makalipas ang 20 minutes, tuluyan nang nailabas ang kamay ng dalaga.

Bilang babala, pinaalalahanan ni Dr. Zhang ang publiko na huwag basta-basta magpasok ng kamao o anu­mang bagay sa bibig ng iba.

“Ang panga ng tao ay may tatlong malalakas na pres­sure points. Kapag hindi tama ang pagnganga o may pu­wersahang pagbukas, maaaring magkaroon ng nerve damage o ma-dislocate ang panga,” dagdag niya.

Buti na lang, bukod sa takot at kaunting pananakit, walang matinding pinsalang natamo ang dalawa. Gayun­paman, tila hindi na muna sila muling susubok ng mga kakaibang social media challenge dahil sa matinding kahihiyan na kanilang naranasan!

CHINA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with