^

PSN Opinyon

Sec. Año, no say sa trip ni Tatay Digong sa The Hague!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

WALANG kinalaman si National Security Adviser Eduardo Año sa pagbiyahe ni Tatay Digong sa The Hague, Netherlands. Ayon kay Año, nalaman lang niya ang pagkaaresto kay Tatay Digong sa kasagsagan ng kaguluhan sa Villamor Air Base.

Si Tatay Digong ay ibiniyahe sa ICC sa The Hague matapos  bumalik sa Pinas galing sa trip n’ya sa Hongkong noong Marso 11. Ani Año, hindi siya kasali sa “core group” o grupong nagplano at nagprepara para arestuhin si Tatay Digong sa kasong crime against humanity na isinampa laban sa kanya sa ICC. Sanamagan!

Ginawa ni Año ang paglilinaw sa Senate hearing na ipinatawag ni presidential sister at Sen. Imee Marcos noong Huwebes upang alamin ang drama sa biyahe ni Tatay Digong na ikinagalit ng kanyang supporters.

Hindi lang naman sa Pinas nagkaroon ng kilos-protesta, ayon sa mga maka-Duterte, dahil sa hindi makatarungang pag-aresto kay Tatay Digong. At iginiit nila na dapat dito sa bansa siya lilitisin. Ang sakit sa bangs nito!

Si Año mga kosa ay chief of staff ng AFP at DILG Secretary ni Tatay Digong kaya tinawag s’yang “traidor” at walang utang na loob ng mga maka-Duterte. Ito ay matapos ibulgar ni DILG Sec. Jonvic Remulla na apat sila—President Bongbong Marcos Jr., Año at Defense Secretary Gilbert Teodoro—ang nagplano at nagprepara sa pag-aresto kay Tatay Digong. Na wow mali si Remulla? O nais lang n’yang umani ng pogi points?

Ayon naman kay Año, ang loyalty niya ay nasa ­Constitution at hindi sa iisang tao lamang. ‘Ika nga, kapakanan, kaayusan at kapayapaan sa Pinas ang nasa isipan niya. Gets n’yo mga kosa?

Iginiit naman ni VP Sara na tungkulin ng military na pigilin ang pagkidnap kay Tatay Digong dahil ex-president siya. Ang pinaringgan ni VP Sara ay ang best friend niyang si Teodoro, na nagsasabi na walang partisipasyon ang military sa pag-aresto kay Tatay Digong, kahit dinala pa ito sa Air Force headquarters sa Villamor Air Base. Eh di wow!

Satisfied na kaya ang mga DDS sa paliwanag nina Año at Teodoro? Anong sey n’yo mga kosa kong supporters ni Tatay Digong? Sanamagan!

Kung nakangisi si Remulla noong iniinterbyu siya sa TV, radio at diyaryo sa pag-aresto kay Tatay Digong, sa Senate hearing naman ay halos magkabulol-bulol siya sa pagsagot sa mga tanong ni Marcos at iba pang senador. Behhhh butii nga!

Sa totoo lang, ang pagtawag kina Año at Teodoro na “traidor” ay si Remulla ang may kasalanan. Mismooo! Kaya lang sa Senate hearing, sinabi ni Remulla na “misquoted” lang siya sa mga tinuran niya. Palusot pa eh. Hindi naman bingi ang mga Pinoy na nakinig sa interbyu niya, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ipinilit naman ni DOJ Sec. Boying Remulla na failure ang justice system ng bansa kaya sa ICC lilitisin si Tatay Digong. Owww! Sana ipinadala na rin ang anak ni Boying na nahulihan ng droga sa ICC kahit nagkahustisya siya sa Pinas?

Marami pang kaso, tulad ng ibang presidente, at ex-Sen. Leila de Lima, ang nahusgahan ng korte sa Pinas kaya gumagana ang justice system, di ba mga kosa? Ang gulo n’yo!

Kung sabagay, maging si CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III, na namuno sa pagkaaresto kay Tatay Digong ay biktima rin ng hate campaign sa social media. Mahaba pa ang bangayang ito na nagdulot ng pagkahati-hati ng mga Pinoy!

Abangan!

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with