^

PM Sports

GSM, TNT agawan sa 3-2 bentahe

John Bryan Ulanday - Pang-masa
GSM, TNT agawan sa 3-2 bentahe
Coach Tim Cone.
Russell Palma, File

MANILA, Philippines —  Sasakay ang Barangay Ginebra sa momentum ng pambihirang panalo sa Game Four upang maita­gay ang bentahe sa pamurong Game Five kontra sa karibal na TNT Tropang Giga sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup Finals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Sisiklab ang duwelo sa alas-7:30 ng gabi tampok ang krusyal an 3-2 abante sa sinumang makakalusot at makakaumang ng isang hakbang mula sa asam na kampeonato.

Nakalapit dito ang Gin Kings matapos ang dominanteng 95-78 panalo sa Game Four – pinakamala­king lamang sa serye – upang makatabla sa 2-2 ma­tapos ang masaklap na 87-85 kabiguan sa Game Three.

Sa naturang laro ay hin­di nakasama ng mga bataan ni coach Tim Cone si Justin Brownlee sa second half dahil sa dislocated thumb injury at halos wala ng pag-asang makakalaro pa sa na­titirang bahagi ng serye.

Subalit ipinamalas ni Brownlee ang pamosong ‘never-say-die’ spirit ng Gin Kings nang ipagsa­walang bahala ang sakit at sumalang pa rin sa Game Four tungo sa 23 points, 12 rebounds, 5 assists at 2 blocks upang banderahan ang kanilang tagumpay.

Napabilib ni Brownlee ang kanyang long-time mentor na si Cone, sa Ginebra man o sa Gilas Pi­lipinas, kaya umaasang mag­sisilbi itong mas mainit na siga sa apoy ng Ginebra para sa panlamang na Game Five.

Sa katunayan ay may na­kapila na sanang replace­ment imports ang Ginebra sa katauhan nina Gilas na­turalized player Ange Kouame at kapatid ni TNT import Rondae Hollis-Jefferson na si Rahlir Hollis-Jefferson na nasa Pi­lipinas subalit pinili pa rin si Brownlee.

“He’s not only just a great player, but he’s such a warrior. What warrior he is to come out and play,” ani Cone.

“I didn’t think he had any chance at all to play tonight. And he not only played, but he played like this. We played a really good defensive game and we got our offense going a little bit. Hopefully, we can continue that into the next game. Hopefully we can con­tinue to minister Justin and get him through the se­ries,” dagdag nito.

Nakahandang umalalay kay Brownlee sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Troy Rosario, Stephen Holt, Maverick Ahanmisi, RJ Abarrientos at Game Four hero Jamie Malonzo na pumukol ng 24 points.

Sa kabila nito ay hindi basta-basta titiklop ang Tro­pang Giga ni coach Chot Reyes lalo’t nakata­ya ang misyon nilang masungkit ang ikalawang sunod na korona matapos talunin din ang Ginebra sa Governors’ Cup finals.

Para magawa ito ay ka­­­kailanganin ni Hollis-Jef­ferson ng solidong suporta mula kina Calvin Oftana, Roger Pogoy, Rey Namba­tac, Glenn Khobuntin, Poy Erram at Kelly Williams sa kawalan ni ace player Jayson Castro dahil sa knee injury.

GINEBRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->