^

Bansa

NBI inirekomenda inciting to sedition, grave threat vs VP Sara

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng reklamong inciting to sedition at grave threat laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y pagbabanta nito kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Pormal nang isinumite kahapon sa tanggapan ni DOJ Prosecutor General Richard Fadullon ang reklamo na inirekomenda ng limang abogado ng NBI sa pangunguna ni Dir. Jaime Santiago.

“Nai-file na po natin sa DOJ at nasa DOJ na ang bola ngayon. Ide-determine nila kung magko-conduct sila ng preliminary investigation at kung kailangan i-file ang case sa court,” ani Santiago.

Nag-ugat ang kaso nang ihayag ni Duterte sa isang zoom conference na inere ng ilang social media platforms na sakaling magtagumpay umano ang balak laban sa kanya ay nag-utos na siya ng taong papatay kina Pangulong Marcos, FL Liza at Romualdez.

“Huwag kang mag-alala sa security ko kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, ‘pag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza ­Araneta, at si Martin Romualdez,” wika ni Duterte.

Kalaunan ay nilinaw ni Duterte na ang kaniyang statement ay hindi isang banta.

“I did not make an assassination threat to the President. Sila lang ang nagsasabi niyan. Sila lang ang nagsasabi may assassination, sila nagsasabi may assassin, may gunman. I did not say that,” wika niya.

Sa kabila naman ng mga patawag ng NBI kay Duterte para sa imbestigasyon, bigo siyang lumutang at sa halip ay nagpadala ng liham sa kaniyang abogado.

Samantala, hindi na raw ikinagulat ni VP Sara ang rekomendasyon ng NBI na sampahan siya ng mga kasong kriminal.

“As expected,” ang sabi ni Duterte, ayon sa kanyang tanggapan nang tanungin ng mga mamamahayag.

 

FERDINAND MARCOS JR.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->