‘Patak Polio’ project isinagawa ng Manila MIPs
MANILA, Philippines — Isang “End Polio Now” campaign activities ang isinagawa ng Manila MIPs sa ilalim ng Rotary International-District 3810 sa pangunguna ni District Governor Jackie, kasama ang Execom members at ilang kinatawan ng Department of Health (DOH) sa Nuestra Señora del Perpetuo Socorro Parish compound sa Calamba at Instruccion Streets, sa Blumentritt, Manila nitong Nobyembre 19.
Nagkaka-edad ng 0-23 months ang inunang pinatakan ng polio vaccine habang hanggang 5-anyos ang isinunod na nabigyan ng nabuka.
Ang proyekto na pinamagatang “Patak Polio of Manila MIPs” ay sa pakikipagtulungan ng Team Harry Potter ng MIPs katuwang ang iba’t ibang Rotary Clubs sa District 3810 kabilang na ang RC Malate Prime na pinamumunuan ni MIP Rosanna Saren.
Matapos ang pagbabakuna sa mga bata, binigyan sila ng loot bags habang sinasamahan ng kani-kanilang mga magulang o guardian na nabiyayaan din ng libreng lugaw.
- Latest