^

Bansa

Sa panawagan ni Bong Go, PhilHealth nangako reresolbahin unpaid hospital claims

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako ang PhilHealth na reresolbahin nito ang naantalang pagbabayad sa mga ospital matapos manawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa ahensya sa isang pampublikong pagdinig noong Setyembre 10.

Sinabi ni Go na matagal nang isyu ang hindi pa nababayarang claims ng government at private hospital, na nakaapekto nang malaki sa healthcare operations ng mga kinauukulang ospital.

Binigyang-diin ni Go ang kritikal na problema sa available ngunit hindi pa nagagamit na pondo ng PhilHealth habang naaantala ang pagbabayad sa mga ospital, na sobrang nakasasama sa healthcare system.

Nanawagan si Go sa PhilHealth na kumilos nang mabilis sa pagsasabing ang tungkulin ng ahensya ay hindi mag-ipon ng pondo kundi gamitin ito para protektahan ang kalusugan at buhay ng mga Pilipino.

Sa datos ng Department of Health (DOH), ang mga hindi nabayarang claim ay umaabot sa humigit-kumulang P14.8 bilyon, na lalong nagpalala sa pinansiyal na pasanin ng mga pampublikong ospital.

Bilang tugon, tiniyak ni PhilHealth President Emmanuel Ledesma sa komite na ang ahensya ay aktibong nagtatrabaho sa pagresolba sa isyu. Nilinaw niya na ang iniulat na halos P15 bilyong hindi pa nababayarang claim ay malamang na overestimated.

“We’re currently doing reconciliation on those, and I’m confident after the reconciliation po, ‘yung 15 billion na ‘yan, siguro magiging PhP3 to 4 billion na lang ‘yan,” paliwanag ni Ledesma.

Ipinaliwanag niya na maraming claims ang na-deny o ibinalik sa mga ospital (RTH) para sa karagdagang pagproseso at validation kaya inaasahang mababawasan ang kabuuang halaga ng utang.

Muli namang ipinaalala ni Go sa PhilHealth ang responsibilidad nito na tiyaking mapoproseso at mababayaran ang valid claims sa tamang oras, lalo’t ang financial health ng government at private hospitals ay nakadepende sa tamang oras na reimbursement.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with