^

Bansa

P27 bilyong COVID-19 allowance ng health workers inilabas ni Pangandaman

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P27 bilyong COVID-19 allowance ng health workers inilabas ni Pangandaman
Health workers from the government-run Philippine General Hospital hold placards as they ask the government to release their risk allowances amid rising Covid-19 coronavirus infections, in Manila on August 26, 2021.
AFP/Ted Aljibe

Katuparan ng pangako ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na mabayaran na ng buo ang lahat ng unpaid arrears para sa Health Emergency Allowance (HEA) ng mga healthcare workers, inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na ire-release ngayong araw ang P27 bilyon para sa nasabing programa.

Ayon kay Pangandaman, inaasahan na mababayaran na ng buo ang lahat ng “unpaid arrears” na matagal ng inaantay ng ating mga kababayang nasa healthcare sector.

Matatandaang Mayo ng taong ito, opisyal na hiniling ng Department of Health (DOH) ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P27.453 bilyon para masakop ang bayad na 5,039,926 na hindi nabayarang HEA at 4,283 COVID-10 Sickness and Death Compensation claims ng mga kwalipikadong healthcare at non-healthcare workers.

“Bilang pagtupad po sa direktiba ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos, we will release the additional P27 billion requested by DOH for the settlement of unpaid HEA claims of our healthcare workers by Friday, July 5, 2024. This is a promise fulfilled. Kahit sa 2025 pa ito hinihiling ng DOH, sinikap po ng DBM na mas maaga itong tuparin, dahil deserve po ito ng ating mga manggagawa sa health sector,” tiniyak pa ng kalihim.

Subalit sa halip na sa susunod na taon, ipinag-utos ni Pangandaman na ngayong Hulyo na ilabas ang pondo bilang pagtugon sa bilin ng Pangulong Marcos na agad aksyunan ang matagal ng hinanaing ng ating mga HCWs na nagsakripisyo at nagbuwis-buhay nung kasagsagan ng COVID-19.

Inanunsiyo rin ni Pangandaman ang P91.283 bilyon sa DOH para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA), na sumasaklaw sa lahat ng benepisyo para sa mga healthcare worker mula 2021 hanggang 2023. Sa halagang ito, P73.261 bilyon ang inilaan partikular para sa HEA.

Kabilang sa PHEBA ang Special Risk Allowance (SRA), kompensasyon para sa COVID-19 sickness at death, at karagdagang benepisyo tulad ng meals, accommodation, at transportation allowances para sa mga healthcare worker.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with