^

PSN Palaro

Mojdeh siblings hakot ng ginto sa PAI event

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh siblings hakot ng ginto sa PAI event
Ang magkakapatid na Mikhael Jasper, Mikee at Micaela Jasmine Mojdeh.

MANILA, Philippines — Binanderahan ng Mojdeh siblings na sina Madi, Mikhael Jasper at Micaela Jasmine ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) sa paghakot ng 12 ginto, siyam na pilak at dalawang tansong medalya sa 2024 National Age Group Championships na ginaganap sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Malate, Manila.

Pinakamaningning sa lahat si Madi na pambato ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque na sumiguro ng apat na ginto at isang pilak sa Class A boys’ 13-year division.

Nasungkit ni Madi ang unang ginto nito sa 400m Individual Medley matapos magtala ng limang minuto at 12 segundo kasunod ang 100m breastroke ta­ngan ang 1:16.49.

Wagi rin ng ginto si Madi sa 200m backstroke (2:34.11) at 100m butterfly (1:05.41) bago makasikwat ng pilak sa 200m freestyle (2:20.10).

Hindi rin nagpahuli si Mikhael Jasper — itinanghal na Most Outstanding Swimmer sa Thailand swimming meet noong Pebrero — na sumisid ng apat na ginto sa Class A boys’ 9-year category.

Nangibabaw si Mikhael Jasper sa 200m freestyle (2:45.76), 100m butterfly (1:34.70), 50m backstroke (39.94) at 100m breaststroke (1:51.00).

Sa kabilang banda, nakasikwat si World Junior Championships semifinalist Micaela Jasmine ng isang ginto at dalawang pilak sa Class A girls’ 17-over event.

Nagreyna si Micaela Jasmine sa 100m breaststroke (1:16.62) habang segunda ito sa 100m butterfly at 200m backstroke.

Nagbulsa naman si Kristian Yugo Cabana ng dalawang ginto (200m backstroke at 100m butterfly) at isang tanso (200m freestyle) sa Class A boys’ 14-year).

Hawak ang BEST nina head coach Jere­miah Paez, assistan coach Emman Lafuente at consultant Sherwin Santiago.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with