^

Probinsiya

11 Chinese, Pinoy timbog sa raid sa scam hub

Joy Cantos, Arnell Ozaeta, Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umiskor ang mga awtoridad kasunod ng pagkakaaresto sa 11 Chinese nationals at isang Pinoy sa isinagawang raid ng isang pinaghihinalaang scam hub sa Brgy. Kaylaway, Nasugbu, Batangas kahapon.

Sa report ni P/Brig. Gen. Dominic Baccay, Director ng Police Regional Office (PRO) IV A, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang nasabing scam hub sa nasabing lugar bandang alas-4 ng mada­ling araw.

Bago ang raid, ay nagsagawa ng masusing surveillance operations ang mga awtoridad sa lugar at ng makumpirmang positibo ang natanggap nilang impormasyon ay isinagawa ang raid.

Arestado sa nasabing operasyon na hindi na nakapalag ang 11 Chinese nationals at kasabwat ng mga itong Pinoy na nasa likod ng naturang illegal na aktibidades.

Sinabi ng opisyal na online Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ang konsepto ng nasabing scam hub  na nasa loob ng 3 storey townhouse na gusali.

Nakumpiska sa operasyon ang 18 desktop computers, 18 laptops at anim na flash drives. Samantalang nadiskubre rin na walang business permit ang nasabing establisimyento.

Samantalang nakunan naman ng cal. 45 pistol ang nasabing Pinoy na nagtatrabaho umano bilang driver ng grupo. 

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang mga suspect kung saan ang 11 suspect na Chinese ay nahaharap sa  kasong paglabag sa Local Government Code habang ang Pinoy na kasabwat ng mga ito ay sa kaso namang paglabag sa Private Security Services Industry Act.

SCAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with