^

PSN Opinyon

Mabilis na pagresponde ng kapulisan sa holdapan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGMISTULANG eksena sa pelikula ang nai-record ng CCTV ng isang convenience store sa Gapan, Nueva Ecija matapos itong pasukin at holdapin ng 6 na mga kalalakihan na tumangay ng mga mahahalagang gamit ng 2 customer at maging ang mga cash ng naturang tindahan.

Subalit buo ang loob ng mga empleyado ng convenience store at agad nila itong itinawag sa mga pulis. Hindi naman sila nabigo dahil agad na hinabol ng mga tauhan ng Gapan Police Station ang mga ito na umabot sa halos 4 na oras at nang dumating nga ito sa boundary ng Alaminos, Laguna at Sto. Tomas, Batangas ay naaresto ang anim na sa tantiya ng mga pulis ay nasa edad 18 hanggang 22-anyos ang mga ito. Umamin naman ang mga holdaper na sila nga ang nangholdap sa naturang convenience store kung kaya’t swak na sila sa balde. Hehehe!

Kung sabagay hindi naman magiging matagumpay itong paghuli sa mga holdaper kung nagpatumpik-tumpik itong mga empleyado ng convenience store at mabilis na pagresponde ng mga pulis. Subalit ang mas nakikita rito ay itong magandang coordination ng dalawang Police Regional Office Director na sina PRO3 P/BGen. Jess Mendez at PRO4-A P/BGen. Dominic Baccay kung kaya’t naging matagumpay at walang nagbuwis ng buhay mula sa grupo ng mga kapulisan at mga holdaper. Gets n’yo mga suki?

Sa panahon kasi ngayon hindi dapat na inaasa na lamang sa CCTV recording ang mga pangyayari, dapat may mga naka-duty mismo sa harap ng mga CCTV upang mabilis na maitawag sa kapulisan ang pangyayari. Kaya’t kung magiging kalakaran na ito sa bawat establishment abay, makasisiguro tayo na mabilis na makarespode ang mga pulis sa panahon ng krimen. Kung nagkataon na nakalusot ang mga ito, tiyak na marami pang mga establishment ang magiging biktima nila at hindi malayong makakapatay pa ang mga ito ng mga inosenteng mamamayan.

Kaya’t mga suki, huwag na tayong magpatumpik-tumpik, agad nating iparating sa ating mga kapulisan ang mga krimen sa inyong lugar upang mabilis na makaresponde ang mga ito. Congratulation sa mga pulis ng PRO3 at PRO4-A sa mabilis na pagresponde na nagresulta sa pagka-aresto ng mga holdaper. Mabuhay kayo mga Sir!

CCTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with