^

PSN Opinyon

BBM huwag sana tuyain maghimagsik ang madla

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
BBM huwag sana tuyain maghimagsik ang madla
Bongbong Marcos
Photo from Philstar

Umayon sana si President Bongbong Marcos sa pasya ng Korte Suprema nu’ng Oct. 7. Aayos ang takbo ng bansa.

Labag sa Konstitusyon ang 2024, 2025, at 2026 pambansang budgets, anang Korte. Mali ang pagdagdag ng Kongreso ng P449.5 bilyon sa unprogrammed appropriations kaya lumampas ito sa panukala ni BBM. Mali uli ang pagdagdag ng Kongreso sa Special Road Fund nu’ng 2025, kaya lumampas din sa panukala ni BBM. Mali rin ang pagbago ng Kongreso ng alituntunin sa unprogrammed appropriations nu’ng 2026.

Ang pag-abuso ng Kongreso sa budgets ay nauwi sa daan-daang bilyong pisong pandarambong ng flood control funds. “Mahiya naman kayo!” pinuna sila ni BBM nu’ng 2025 State of the Nation.

Sa makatuwid, sinaway ng Korte ang Kongreso. Ayon kasi sa Konstitusyon, Article VI, Section 25(1) bawal taasan ng Kongreso ang panukalang budget ng Presidente.

Pero “feeling guilty” si BBM. Pinirmahan niya kasi ang budgets para sa tatlong taon. Kaya, pinape-petisyon niya ang solicitor-general na baguhin ng Korte ang pasya. Kung sumunod na lang sana si BBM sa Korte, magagamit niya ang pasya para awatin ang mga mandarambong sa Kongreso. Masasabihan niya sila na sundin sana ang Konstitusyon.

Pero kumakampi pa si BBM sa mga mandarambong. Halatang ang puso’t damdamin niya ay para sa mga kawatang politiko – kamag-anak at kapartido niya kasi ang mga ito.

Ipagpalagay na makumbinsi ni BBM na bawiin o pahinain ng Korte ang pasya. Ano ang kahihinatnan? Tiyak, lalakas­ lalo ang loob ng mga mambabatas na mandambong ng bilyun-bilyong piso pa mula sa flood controls at ayudang pampolitika.

Galit na ang madla. Kapag magkaisa ang tatlong sangay ng gobyerno laban sa tao, mauuwi ito sa himagsikan.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with