^

Bansa

Livestream itutulak sa 2027 budget

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itutulak ng Senado ang mas mahigpit na transpa­rency measures sa pagtalakay ng panukalang 2027 national budget, kabilang ang tuluy-tuloy na live­streaming ng bicameral conference committee hearings at paglalabas ng mga transcript ng talakayan.

Ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, mahalaga ang pagkakaroon ng transcript at minutes upang matukoy kung sino ang nagmumungkahi ng mga amyenda at nagtutulak ng realignment sa budget. Aniya, ang bicameral conference­ committee ay matagal nang walang opisyal na transcript kumpara sa iba pang legislative measures.

Sinabi rin niyang pala­lawakin pa ng Senado ang mga hakbang para sa transparency, kabilang ang pagtukoy sa mga mambabatas na nagmumungkahi ng budget amendments at paglalathala ng records ng deliberasyon sa website ng Senado.

Plano ring imbitahan ang mga budget transparency groups, gaya ng People’s Budget Coalition, bilang observers sa bicam proceedings upang makatulong sa pagbabantay laban sa posibleng iregularidad sa pagbuo ng pambansang badyet.

Nagbabala rin si Lacson sa tinatawag niyang “double kill,” kung saan maaaring magkaroon ng insertion ng mga proyekto habang nasa National Expenditure Program pa lamang ang budget at muli kapag nasa Kongreso na ito.

Kasabay nito, binigyang-diin niya ang panga­ngailangang masusing suriin ang mga kuwestiyonableng geotagged projects na natukoy ng mga transparency advocates. Aniya, may ilang proyektong may kahina-hinalang coordinates na tila hindi simpleng pagkakamali kundi posibleng sinad­yang pagmamaniobra.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with