Jokic may triple-double sa panalo ng Nuggets
DENVER — Kumolekta si Nikola Jokic ng 32 points, 11 assists at 10 rebounds para s akanyang ikatlong triple-double sa season sa 128-109 pagrapido ng Nuggets sa Toronto Raptors.
Anim pang players ng Denver (4-3) ang umiskor ng double figures sa pamumuno ni rookie forward Bryce Hopkins na nagtala ng career-high 18 points.
Nag-ambag si Aaron Gordon ng 17 points at may 14 markers si Jamal Murray.
Umiskor si RJ Barrett ng 22 points sa panig ng Toronto (4-4) na nakahugot kay Scottie Barnes ng 17 points, anim na rebounds, anim na assists at tatlong steals.
Mula sa 64-67 halftime deficit ay kumamada ang Nuggets ng 41 points sa kabuuan ng third period kasabay ng paglimita sa Raptors sa 15 markers.
Itinayo ng Denver ang isang 23-point lead papasok sa fourth quarter na hindi na napababa ng Toronto.
Sa iba pang laro, panalo ang Philadelphia 76ers sa Detroit Pistons, 112-106; wagi ang Atlanta Hawks sa Washington Wizards, 120-105; tinalo ng Boston Celtics ang Milwaukee Bucks, 109-102; at dinaig ng Brooklyn Nets ang Charlotte Hornets, 114-104.
- Latest






















