Bakit may mga nangangaliwa kahit alam nilang mali?
MARAMING tao ang nangangaliwa kahit alam nilang makasasakit sila ng kanilang asawa o karelasyon. Alam nilang mali ang kanilang ginagawa, batid nilang maaari nilang sirain ang kanilang pamilya, at nauunawaan nilang maaari silang mawalan ng taong nagmamahal sa kanila. Pero bakit ginagawa pa rin nila? Narito ang ilang sikolohikal na dahilan:
1. Uhaw sa atensiyon
May mga taong nangangaliwa dahil gusto nilang maramdamang hinahangaan at pinagnanasaan sila. Kahit may asawa na, naghahanap pa rin sila ng atensiyon mula sa ibang tao upang mapunan ang kanilang pangangailangan sa validation.
2. Hindi marunong makuntento
May mga taong kahit nasa kanila na ang lahat ay naghahanap pa rin ng iba. Hindi dahil may kulang sa kanilang partner kundi dahil hindi sila marunong makuntento sa kung ano ang mayroon sila.
3. Adik sa bagong kilig
May mga taong nasasabik sa panibagong relasyon dahil dala nito ang excitement, thrill at kakaibang pakiramdam. Kapag nasanay na sa kanilang partner, hinahanap naman nila ang kilig na nararanasan sa isang bagong kakilala.
4. Mataas ang pagtingin sa sarili
May mga taong iniisip na karapatan nilang gawin ang lahat ng gusto nila. Pakiramdam nila ay maaari silang gumawa ng pagkakamali nang hindi kailangang harapin ang magiging epekto nito sa ibang tao.
5. Pagtakas sa problema
Sa halip na ayusin ang problema sa kanilang relasyon, naghahanap sila ng ibang taong mapaglalabasan ng sama ng loob. Ginagamit nila ang bagong relasyon bilang pansamantalang takasan ng kanilang problema. (Itutuloy)
- Latest















