Babae naghukay sa gilid ng ilog, natabunan, tepok
STO. DOMINGO, Albay, Philippines — Patay ang isang babae matapos biglang gumuho ang malaking bahagi ng gilid ng ilog na kanyang mano-manong hinuhukay at kinu-quarry at matabunan ng buhangin at malalaking bato sa Sitio San Antonio, Brgy.Fidel Surtida, Sto.Domingo, Albay kahapon ng umaga.
Sinubukan pang hukayin at iligtas ng kanyang mga kasama at mga responders mula sa Sto. Domingo Municipal Police Station pero patay na nang matagpuan ang biktima na si alyas “Josie”, 34-anyos, residente ng naturang bayan.
Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga hinuhukay umano ng biktima ang gilid na bahagi ng ilog gamit ang pala at iniipon ang buhangin at graba para ibenta. Gayunman, biglang gumuho ang mataas na bahagi at natabunan ang babae ng mga buhangin at malalaking bato. Agad siyang sinaklolohan pero patay na nang mahukay.
- Latest


















