^

Probinsiya

Lalaki inutas ng kaaway na retiradong pulis

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Lalaki inutas ng kaaway na retiradong pulis
Kinilala ang biktima na si alyas “Lino”, 36-anyos, residente ng Brgy. San Juan Roro, Sorsogon City.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

BARCELONA, Sorsogon, Philippines — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng retiradong pulis makaraang magkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa sa Brgy. Poblacion, dito sa bayan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si alyas “Lino”, 36-anyos, residente ng Brgy. San Juan Roro, Sorsogon City.

Nakakulong na at nahaharap sa kasong pagpatay ang suspek na si alyas “Julio”, 69-anyos, retired police officer at residente ng naturang lugar. 

Sa ulat, dakong alas-11:50 ng gabi, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek. Sa init ng kanilang bangayan, biglang bumunot ng baril ang suspek at ilang beses pinutukan ang biktima na duguang bumulagta.

Iniwan ng suspek ang biktima at dumiretso sa Barcelona Police Station para sumuko. Itinurn-over din nito ang kanyang Glock caliber 9mm pistol na ginamit sa pamamaril.

Inamin din ng suspek sa pulisya na nakabaril siya ng tao at kanyang iti­nuro ang lugar kung saan nakabulagta ang biktima.

Mabilis na rumes­ponde ang mga pulis at inabutan ang duguang biktima na agaw-buhay. Agad siyang isinugod sa Gubat District Hospital pero hindi na umabot nang buhay.

Narekober ng mga pulis sa lugar ang anim na basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with