^

Punto Mo

Babaing may brain aneurysm pinagaling ni St. John Paul II (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NOONG Abril 2011, isang masamang balita ang inihayag ng mga doktor para kay Floribeth Mora Diaz, isang Costa Rican mother: meron itong terminal, brain aneurysm.

Wala nang lunas sapagkat hindi puwedeng operahan. Wala na silang magagawa pa para kay Floribeth.

Sinabi ng mga doktor sa pamilya ni Floribeth na iuwi na lamang ito sa bahay at hintayin na lamang ang nalalabing araw.

Malungkot na malungkot ang buong pamilya sa sinabi ng mga doktor. Gusto man nilang mabuhay nang matagal si Floribeth ay wala silang magawa. Tinanggap nila ang katotohanan na hanggang doon na lang talaga ang kapalaran ni Floribeth.

Ipinaubaya na nila sa Diyos ang mga susunod na mangyayari kay Floribeth.

Wala silang imikan nang iuwi nila ito sa bahay. Bakas sa kanilang mga mukha ang matinding kalungkutan. Hindi nila alam kung anong araw at anong oras mamamaalam si Floribeth.

Subalit may plano pa pala ang Diyos kay Floribeth.

Noong Mayo 1, 2011, habang nasa kuwarto at nag-iisa si Floribeth, nasulyapan niya ang retrato ng yumaong Pope John Paul II.

Hanggang narinig niya: “Be not afraid. Get up.” (Itutuloy)

BRAIN ANEURYSM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with