13 katao tiklo, P12 milyon kagamitan nakulimbat
MANILA, Philippines — Labingtatlo katao ang nasakote habang aabot naman sa P12 milyong halaga ng kagamitan ang nasamsam sa raid sa isang Philippines Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Iligan City nitong Miyerkules ng gabi.
Sa report ng Iligan City Police Office (ICPO), isinagawa ang raid bandang alas-10:40 ng gabi nang isagawa ang raid sa Armsoft Information Technology Solutions sa ikalawang palapag ng Ali Property Building sa Purok 2 B, Brgy Hinaplanon ng lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, ang nasabing establisyemento ay nakakuha ng permit sa Iligan City government noong Mayo 2026 bilang Technology Information Service
Property Building in Purok 2B, Barangay Hinaplanon ng lungsod.
Isang empleyado ng establisyemento ang nag-tip sa mga awtoridad hinggil sa illegal na operasyon ng nasabing POGO hub sa nasabing lungsod.
Dahil dito ay nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad at ng makumpirma ang impormasyon ay agad na ikinasa ang raid sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ali Ombra Bacaraman ng Regional Trial Court (RTC) 12thJudicial Region Branch 4.
Nasakote naman sa operasyon ang 11 kababaihan at dalawang lalaki na nasa hustong gulang. Karamihan sa mga suspect ay mula sa lalawigan ng Mindanao.
Nasamsam naman sa operasyon ang 13 Central Processing Uit (CPUs), mga computer monitors, keyborads, computer mice, modems, card scanners, gaming tables, decks of cards, color game equiptment, at recording cameras na nagkakahalaga ng P12 milyon.
Kasalukuyan ng isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang mga nasakoteng suspect kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 12312 o ang Anti-POGO Act of 2025.
- Latest



















