^

Probinsiya

Kagawad, 4 pa todas sa pamamaril sa BARMM

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Kagawad, 4 pa todas sa pamamaril sa BARMM
Sa ulat, agad na nasawi ang tricycle driver na si Hashim Buyogan Hadji Esmael dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem nitong Lunes ng umaga sa Brgy. Dicalungan, Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Google Maps

COTABATO CITY, Philippines — Lima katao kabilang ang isang barangay kagawad ang patay matapos ang magkakahiwalay na pamamaril sa loob lang ng 36-oras sa tatlong lugar sa Bangsamoro Autonomus Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ulat, agad na nasawi ang tricycle driver na si Hashim Buyogan Hadji Esmael dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem nitong Lunes ng umaga sa Brgy. Dicalungan, Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Sa isa pang insidente, patay sina Munsari Abpi at Usop Ugod na magkaangkas sa motorsiklo nang tambangan at pagbabarilin nitong Linggo sa Barangay Iganagampong, Datu Unsay, Maguindanao del Sur. 

Sinabi ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson of the Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na ang mga pumatay kina Abpi at Ugod ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Samantala, ­itinumba ng dalawang lalaki nitong Sabado ang barangay councilor na si Saddam Barra, sa isang tindahan sa Brgy. Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.

Dead-on-the-spot naman ang motorcycle rider na si Alex Talu­ngon nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng minivan sa Nabalawag, Bangsamoro SGA (Special Geographic Area).

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with