^

PSN Opinyon

Pag-aresto kay Sen. Bato ‘wag igaya sa ‘SAF 44’

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Sa paglalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng P50 milyong bounty o pabuya para sa mga makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, naniniwala si Sec. Jonvic Remulla na mapapadali na ang pag-aresto sa senador na tinaguriang pugante ng International Criminal Court (ICC).

Ilang beses na rin namang sinabi ni Sec. Jonvic na maraming buhay ang malalagas kapag pinuwersa o pinilit na pasukin ang kinaroroonan ni Sen. Bato.

Kaya sa aking tantya, alam na ni Jonvic at ng mga awtoridad ang lungga ni Bato na may mga armadong nakasuporta.

Sa operasyon, hindi lang basta-basta susugod, dahil hindi tantya ang panganib na nag-aantay lalo na kung ang kalaban ay kargado at handa na sa pagsalakay ng tropa ng gobyerno.

Naaalala ko tuloy ang sinapit ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) kung saan marami ang namatay. Sila ang tinaguriang “SAF 44” sa Mamasapano clash. Masaklap ang kanilang sinapit, nang mismong gobyerno ang nagpadalus-dalos sa paghuli o pagpatay sa isang wanted na Malaysian terrorist at bomb maker na si Zulfiki Abdhir, iba pang Malaysian terrorists at mga high ranking leaders ng Moro Inslamic Liberation Front (MILF) na pasimuno ng karahasan sa Mindanao.

Confidential ang police operation na tinawag na “Oplan Exodus” na ang layunin ay magsilbi lang sana ng warrant of arrests sa mga target na terorista, pero pagdating sa Tukanalipao, Mamasapano noong Enero 25, 2015, ang tropa ng PNP ang nasorpresa at para silang mga hayop na pinagbabaril at napabalita pa na may pinugutan. Nasa 44 SAF men ang patay sa operasyon. Naging kumpiyansa ang tropa ng gobyerno, nawala ang kasabihan na --“do not underestimate your opponent”.

Kaya sa panawagan at pagmamadali ng karamihan tugisin si Bato, naiintindihan ko ang punto ni Jonvic. Dito kasi isanaalang-alang ang mga taong mapapahamak para sa operasyon tatawaging kong “Oplan Bato! Tiyak na may mga taong nakasuporta at nakapalibot sa senador na handang makipagpatayan para sa kanyang kalayaan.

Kailangan ng tamang timing, istratehiya ng gobyerno. Dapat planado at huwag padalus-dalos. ‘Wag nang ulitin ang nakaraan, dahil masakit sa mga pamilyang maiiwan ang walang saysay na pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with