Lalaking may cancer pinagaling ni Padre Pio (part 13)
SINIMULAN ang chemo at radiation treatments kay Anthony noong Mayo 2000.
Bago ang treatment, ipinagdasal muna siya ng mga kaibigan. Ginanap ang pagdarasal sa bahay ng pamilya na kaibigan ng anak ni Anthony na si Stacey—ang mga Palazollo. Kilalang relihiyoso ang mga Palazollo. Sa pagkakataong iyon, isang lalaki na nakatanggap ng himala kay Padre Pio ang inimbitahan at nagbigay ng blessing. Isa na ring healer ang lalaki.
Ayon kay Anthony, habang siya at ang lalaking healer ay nasa isang kuwarto, inilagay nito ang crucifix sa kanyang palad. Pagkatapos ay inilagay din ng lalaki ang medal ni Padre Pio. Bigla, naramdaman umano si Anthony ang panginginig ng katawan. Wala raw ipinagkaiba sa ginawa sa kanya ni Padre Pio noong isinakay niya ito sa kotse tatlong taon na ang nakararaan.
Ayon kay Anthony, sa pagkakataong ito ay damang-dama niya ang presensiya ni Padre Pio. Nasa paligid lamang nila ang santo at kasama nila habang nagdarasal.
Sabi ng lalaki kay Anthony, itago ang crucifix at ang medal ni Padre Pio.
Pagkatapos magpasalamat si Anthony sa lalaki, hiniling daw nito na ikuwento ang unang encounter kay Padre Pio.
Ikinuwento ni Anthony sa lalaki ang lahat ng mga nangyari.
Pagkatapos ikuwento, gumaan umano ang pakiramdam ni Anthony. Kung dati ay takot siya dahil sa panibagong kanser na nasa katawan, naging matapang na raw siya. Muling nabuhay ang kanyang pagkakaroon ng sense of humor. Nagkaroon siya ng panibagong lakas.
Hanggang matapos ang kanyang anim na linggong chemo at radiation. (Itutuloy)
- Latest



















