Gregorio, Barredo saludo sa Asiad Para Games athletes
MANILA, Philippines — Bumilib at sinaluduhan nina Philippine Sports Commission chairman Patrick Gregorio at Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo ang mga atletang Pilipino na lumahok sa 5th Asian Para Games na nagtapos kahapon sa Mizuho Park Athletic Stadium sa Nagoya.
Lumanding sa 17th place sa pangkalahatan ang Pilipinas matapos mag kuwintas ng dalawang ginto, dalawang pilak at tatlong tanso.
Matapos ang higit sa isang linggong matinding labanan, naiuwi nina swimmers Ernie Gawilan at Arjay Alegarbes ang tig-isang ginto.
Ang dalawang pilak naman ay galing kay Gawilan at sa table tennis mixed doubles pair nina Wilfred Redulla at Lhey Manginsay at ang tatlong tanso ay nagmula kina tanker Raemond Adefuin, runner King James Reyes at shot putter Ma. Ravinia Carpena.
Nalampasan ng nakuhang kabuuang medalya ang naging performance ng Pilipinas sa huling edisyon sa Hangzhou tatlong taon na ang nakaraan.
- Latest
















