^

Bansa

Ante Kler ‘treasure’ sa PCO hindi masisibak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsumite na ng courtesy resignation ang mga opisyal at personnel ng iba’t ibang tanggapan at attached agencies ng Presidential Communications Office (PCO).

Sa panayam kay PCO Secretary Lino Cayetano, otomatiko itong ginagawa sa tuwing mayroong bagong kalihim sa tanggapan.

Nilinaw naman ni Ca­yetano na mananatili sa puwesto si Palace Press Officer Atty. Claire Castro dahil maituturing na “treasure” ito sa gobyerno.

Ayon pa sa kalihim, kailangan niya si Castro para epektibong maihatid sa publiko ang mga isyu at hamon na kinakaharap ng bansa gayundin ng accomplishment ng pamahalaan, gayundin ang magagandang accomplishment ng pamahalaan.

Suportado rin ni Cayetano ang paraan ni Castro sa paghahayag ng mga tugon ng pamahalaan kahit pa tila ito ay palaban. Handa aniyang makipag-debate o lumaban ng patas ang PCO sa mga kritiko at kritisismo sa gobyerno sa pamamagitan ni Castro hanggang naipaparating at naipapaunawa sa publiko ang mga isyung nais iparating ng gobyerno.

Tiniyak naman ni Cayetano na tuluy tuloy lang ang pag-evaluate sa mga opisyal at tauhan ng PCO at iba pang ahensiya na nasa ilalim nito.

PCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with