^

Police Metro

Salmonella bacteria sa manok,‘di kayang tablan ng antibiotics

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot sa 94.7 porsyento ng Salmonella bacteria na natagpuan sa mga manok na ibinebenta sa mga palengke at supermarket sa Metro Manila ay resistant o hindi tatalab sa isang uri ng antibiotic, ayon sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Batay sa pag-aaral na pinamagatang “Occurrence and antibacterial resistance of Salmonella spp. from retail eggs and commercial chicken meat within Metro Manila, the Philippines,” sinuri ng mga mananaliksik ang 76 Salmonella isolates mula sa karne ng broiler chicken.

Sa 76 isolates ng broiler chicken na ?inuri sa pag-aaral, 76.3% ang multidrug-resistant o hindi na tinatablan ng tatlo o higit pang klase ng gamot.

Pinakamataas ang resistance sa ampicillin- 77.6%, sinundan ng streptomycin-73.7%, nalidixic acid - 68.4%, at cefotaxime - 67.1%.

Babala ng ahensiya, maaaring magdulot ang Salmonella ng gastroenteritis at mas malubhang impeksyon na mas mahirap gamutin kapag resistant na sa gamot.

Gayunpaman, nananatiling ligtas kainin ang manok basta maayos ang paghahanda.

Napapatay ng tamang pagluluto ang bacteria, pero maaari itong kumalat sa kamay, kagamitan at kusina.

Payo ng DOST-FNRI, maghugas ng kamay bago at pagkatapos humawak ng hilaw na manok ihiwalay sa lutong pagkain, gumamit ng hiwalay na sangkalan at kagamitan, linisin ang kusina, lutuing mabuti, at agad na i-ref ang mga pagkaing madaling masira.

ANTIBIOTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with