James, 76ers itinumba Knicks

NEW YORK — Kumolekta si LeBron James ng 14 points, siyam na rebounds at pitong assists sa 106-100 pagdaig ng Philadelphia 76ers sa nagdedepensang Knicks sa NBA season 2026 opener kahapon.
Umiskor si Tyrese Maxey ng 28 points at naglista si Jaylen Brown ng 19 points, walong rebounds at anim na assists para sa Philadelphia na nakahugot kay Joel Embiid ng 13 points, 11 rebounds, anim na assists at tatlong blocks.
Pinamunuan ni guard Jalen Brunson ang New York sa kanyang 21 points, limang rebounds at tatlong assists.
Isinara ng 76ers ang third period mula sa isang 11-0 atake para iposte ang 83-76 abante bago nakadikit ang Knicks sa 95-96 mula sa triple ni Towns.
Sa Detroit, kumamada sina Cade Cunningham at Jalen Duren ng tig-22 points at may 21 markers si Duncan Robinson kasama ang tatlong triples sa 121-113 panalo ng Pistons sa Boston Celtics.
Nagpasabog si Paul George ng 38 points sa kanyang debut para sa Celtics, samantalang naglista si Jayson Tatum ng 13 points at 11 assists.
Sa San Antonio, humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng 32 points para igiya ang Oklahoma City Thunder sa 116-104 paggupo sa Spurs.
Nalimitahan si San Antonio star center Victor Wembanyama sa 12 points buhat sa mahinang 1-of-13 field goal shooting.
Sa pagsisimula ng second quarter ay tinawagan si De’Aaron Fox ng isang Flagrant Foul 1 dahil sa kanyang pagbalibag kay OKC center Chet Holmgren matapos silang magkabuhol sa shaded lane.
Muntik ding magsuntukan sina Wembanyama at Jaylin Williams.
Tinawagan sina Wembanyama, Williams, Jalen Williams at Kenrich Williams ng technical foul.
- Latest




















