For the road
Para sa mga old-timers, matunog ang pangalan ni Jose “Amang” Parica.
Siya ang Pinoy billiards superstar nu’ng 1970s at 1980s. Sumikat bago pa man nakilala sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante.
Siya lang sa buong mundo ang nanalo ng isang race-to-11 na laban na dehins nagmintis mula sa opening sargo.
Noong 1997 ito sa Legends of 9-Ball sa US.
Legend si Amang at nu’ng magsimula siyang maglaro ng billiards, umaapak daw siya sa case ng beer para makatumbok sa mesa.
Kaya eventually, after na niyang manalo ng 64 titles overseas, kabilang siya sa anim na San Miguel Beer commercials kasama sina Flash Elorde, Bert “Tawa” Marcelo, Rico Puno, jockey Eduardo Domingo at ang Apo Hiking Society.
Dito nauso ang mga katagang “Isang Platitong Mani,” “Isa Pa Nga” at “Iba ang May Pinagsamahan.”
Si FPJ daw, exclusive ang SMB commercials.
Nasa Pinas si Amang, na ngayon eh, 77 years old na. Bakasyon mula sa Los Angeles kung saan nagpapatakbo siya ng kanyang sariling home care kaya masaya ako na nakamayan siya kahapon.
Plano niya gumawa ng isang billiards tournament sa February – ang Amang Parica Cup.
At willing daw siya gumawa ng isang exhibition match kalaban si Bata Reyes, na 72 years old.
Sana, San Miguel Beer ang maging sponsor ng laban.
May title na ako: For the Road.
- Latest






















