^

PSN Palaro

Road Warriors niresbakan ng Beermen

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Road Warriors niresbakan ng Beermen
Nilusutan ni June Mar Fajardo ng San Miguel si NLEX import Deonte Burton para sa kanyang basket.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bumangon ang San Miguel mula sa isang 20-point deficit sa fourth quarter para talunin ang NLEX, 135-133, sa kanilang huling laro sa elimination round ng Season 50 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagtapos sa parehong 9-3 record ang Road Warriors at Beermen, ngunit napasakamay pa rin ng NLEX ang No. 1 spot sa Group A papasok sa crossover quarterfinals kung saan nila lalabanan ang No. 4 team sa Group B.

Ito ay dahil kailangan ng San Miguel na manalo ng 15 points o higit pa para mabura ang kanilang agwat sa quotient kung saan sila natalo sa unang pagtutuos, 96-110, noong Hulyo 26.

Humakot si June Mar Fajardo ng 26 points, 10 rebounds, limang assists at tatlong blocks para sa Beermen, habang may 27 markers si import George King.

“Kailangan namin itaas iyong intensity ng depensa namin lalo na sa fourth quarter. Gusto namin mag-build ng magandang depensa pagdating sa playoffs,” ani Fajardo na napabilang sa 10,000 point-elite club. “Isang karangalan na mapabilang ako sa 10,000-point club. I-credit ko iyon sa mga coaches at teammates ko.”

Naglista si import D­eonte Burton ng 43 points, anim na rebounds, anim na blocks at tatlong assists para sa Road Warriors.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with