^

Metro

P3.8 milyong shabu nasamsam sa 18-anyos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P3.8 milyong shabu nasamsam sa 18-anyos
Ang suspek na si alyas “Michael”, ng Brgy. Pio Del Pilar, Makati City, ay nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office sa paglabag sa Sections 5 at 26, ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na lalaki na naaktuhang may hawak ng parcel na naglalaman ng tinatayang halagang P3,831,800.00 ilegal na droga ang dinakip sa isinagawang follow-up operation sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati City, Sabado ng gabi.

Ang suspek na si alyas “Michael”, ng Brgy. Pio Del Pilar, Makati City, ay nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office sa paglabag sa Sections 5 at 26, ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi ng Oktubre 17, 2026, nang isagawa ang operasyon kasunod ng natanggap na ulat ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) kaugnay sa isang parcel na umano’y naglalaman ng ilegal na droga.

Isang impormante ang nagnguso sa nakita niyang parcel na binuksan umano ng suspek at naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu sa Santuico at Facundo Streets.

Namataan ng mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at SIDMS ang suspek na nagtangka pang tumakas kaya hinabol at nakorner sa Javier St., Brgy. Pio Del Pilar.

Nasamsam ang humigit-kumulang 563.5 gramo ng hinihinalang shabu.

“Malaking halaga at dami ng suspected ille­gal drugs ang ating nasabat sa operasyong ito, bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na pigilan ang pagkalat ng droga sa ating mga komunidad. We will continue to intensify our anti-illegal drug operations and strengthen our partnership with the public to hold those involved in the illegal drug trade accountable. Our goal is to make our communities a safer place to live, work, and do business,” pahayag ni Southern Police District Director PBGen. Rodel Pastor.

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with