^

Metro

NCRPO, LGUs sanib puwersa vs obstruction sa mga emergency vehicles

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para mabilis responde Asahan nang mas bibilis ang responde ng mga emergency vehicles sa Metro Manila kasunod ng koordinasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga local government units at traffic authorities upang matiyak na walang sagabal sa mga kalsadang dinaraanan ng mga pulis, ambulansiya at bumbero.

Nabatid na inutos ni NCRPO chief PBGen. Christopher N. Abrahano sa limang police district na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng LGU, traffic management office, emergency responders at mga establisimyento upang matukoy ang mga kalsadang madalas na nahaharangan, lalo na sa paligid ng mga ospital, terminal at commercial center.

Sa ilalim ng hakbang, susuriin ang mga rutang dinaraanan ng mga sasakyang pang-emergency at mag­rerekomenda ng mga solusyon upang maiwasan ang pagkaantala sa pagresponde sa mga aksidente, sunog, krimen at iba pang emergency. Tututukan din ang ilegal na paradahan at iba pang sanhi ng pagsisikip ng trapiko.

Ayon kay Abrahano, mahalaga ang bawat minuto sa panahon ng emergency dahil maaaring maantala ang pagdadala sa mga pasyente sa ospital, pag-apula ng sunog at pagresponde ng mga pulis kapag barado ang mga kalsada.

Hinimok naman ng NCRPO ang mga motorista, transport operator at may-ari ng mga establisimyento na huwag harangan ang mga emergency access, driveway at itinalagang ruta.

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with