^

Metro

Magkasintahan, hinoldap ng 2 riding-in-tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang magkasintahan ang nabiktima ng panghoholdap ng dalawang riding-in-tandem matapos na umabot sa P100K halaga ng pera, gadgets at personal na mga gamit ang natangay sa Caloocan City.

Batay sa report na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Benliner Capili, nangyari ang insidente bandang alas-2 ng madaling araw sa San Diego St., Brgy. 88 ng nabanggit na lugar.

Naglalakad pauwi ang magkasintahang estud­yante nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo. Dito ay tinutukan ng patalim ng mga suspek ang mga biktima at sapilitang inagaw ang bag na dala ng lalaki na kinalalagyan ng mamahaling gadget, cash, at personal na gamit na aabot sa halagang P100,000.00 bago tumakas patungong 11th Avenue.

Nanlaban pa ang mga biktima hanggang sa magtamo ng sugat sa braso, tuhod, at kamay.

Nagsasagawa na ng back tracking ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief PCol. Joey Goforth upang matukoy ang mga suspek.

RIDING-IN-TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with