^

Metro

Maynilad nag-aalok ng libreng septic tank cleaning ngayong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nag-aalok ang Maynilad Water Services Inc. ng libreng paglilinis ng septic tank ngayong Oktubre para sa mga residential at semi-business customer sa piling barangay sa Metro Manila at Cavite.

Kabilang sa mga lugar na sakop ang Caloocan, Las Piñas, Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Quezon City, Valenzuela, Bacoor at Imus.

Ayon kay Engr. Zmel Grabillo, pinuno ng Wastewater Management ng Maynilad, bahagi ang programa ng pagsisikap ng kumpanya na mabawasan ang polusyon sa mga ilog sa Metro Manila at mapangalagaan ang kalusugan ng mga komunidad.

Karaniwang nagkakahalaga ng P4,700 kada truck ang septic tank cleaning service, ngunit walang dagdag na bayad ito para sa mga kuwalipikadong customer sa mga lugar na sakop ng programa.

Pinayuhan ang mga interesadong customer na tumawag sa Maynilad Hotline 1626 upang malaman ang mga kinakailangan at proseso ng pag-avail ng serbisyo. Maaari ding bumisita sa www.mayniladwater.com.ph para sa karagdagang impormasyon.

MAYNILAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with