^

Metro

3 binatilyo todas sa miyembro Task Force Disiplina ng Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 binatilyo todas sa miyembro Task Force Disiplina ng Quezon City
Nakilala ang mga biktima na sina Renz Dave Suarez,19, out of school youth; Lheedon Aldacan, 18, Grade 12 student at isang 15-anyos.
FIle

MANILA, Philippines — Tatlong binatilyo ang patay na kinabibilangan ng isang menor-de-edad nang pagbabarilin ng miyembro ng Task Force Disiplina na nanita sa mga ito kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Nakilala ang mga biktima na sina Renz Dave Suarez,19, out of school youth; Lheedon Aldacan, 18, Grade 12 student at isang 15-anyos. Ang mga biktima ay pawang mga residente sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad sa follow-up operation ang suspek na si alyas “Vince,” 28, na nahaharap ang suspek sa kasong murder.

Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit-Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nangyari ang insidente bandang alas-2 ng madaling araw sa Senatorial St.corner Batasan-San Mateo Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na nakatayo sa Senatorial St. ang mga biktima kasama ang dalawa pa na nagsilbing mga witness nang madaanan ng suspek na sakay ng motorsiklo at nasa impluwensiya ng alak.

Dito ay sinita ng suspek ang mga biktima ngunit isa sa mga biktima ang umano’y sumagot ng pabalang sa una na ikinagalit nito. Inilabas ng suspek ang kanyang baril at itinutok sa mga biktima at witness kaya nagtakbuhan ang mga ito.

Sinundan ng suspek ang mga biktima hanggang sa makorner sa isang eskinita sa Senatorial corner Batasan-San Mateo Road at doon na pinagbabaril.

Agad na tumakas ang suspek subalit sa follow-up operation nina PMSg Jonathan Damasco, PSSg Mark Allan Flores, at PCpl Eduardo Salazar ng QCPD Police Station 6 mabilis itong nasakote.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang Honda ADV 160 motorcycle, red, bearing Plate No. 153XLH at 9.mm na baril, na may basyo ng bala at isang live ammunition.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with