^

Metro

LTFRB pinag-aaralan Antipolo-Recto bus route bilang alternatibo sa LRT-2

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LTFRB pinag-aaralan Antipolo-Recto bus route bilang alternatibo sa LRT-2
Ayon kay LTFRB ­Acting Chairman Greg G. Pua Jr., sinimulan na ng ahensya ang feasibi­lity study at nakikipag-ugna­yan na sa Light Rail Transit Authority (LRTA) upang matukoy ang posibleng ruta na magbibigay ng mabilis, komportable at maaasahang serbisyo ng bus mula Antipolo hanggang Maynila at pabalik.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtatatag ng bagong ruta ng bus mula ­Antipolo City hanggang Recto ­Avenue sa Maynila upang mabigyan ng alternatibong masasakyan ang mga commuter, partikular ang mga pasahero ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ayon kay LTFRB ­Acting Chairman Greg G. Pua Jr., sinimulan na ng ahensya ang feasibi­lity study at nakikipag-ugna­yan na sa Light Rail Transit Authority (LRTA) upang matukoy ang posibleng ruta na magbibigay ng mabilis, komportable at maaasahang serbisyo ng bus mula Antipolo hanggang Maynila at pabalik.

Sinabi ni Pua na kabilang sa mga isinasaa­lang-alang ang pagdami ng mga pasahero ng LRT-2, lalo na tuwing rush hour sa umaga at hapon, kaya kinakailangang makahanap ng karagdagang paraan sa pampublikong transportasyon upang maibsan ang pagsisikip ng mga tren.

Una nang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) ang plano nitong magbukas ng mga espesyal na ruta ng bus na kahalintulad ng EDSA Busway, na magkakaroon ng mga nakatalagang hintuan para sa pagsakay at pagbaba ng mga pasahero malapit sa mga istasyon ng LRT-2. Gayunman, nakasalalay pa sa resulta ng pag-aaral ang pagsasakatuparan ng planong ruta.

LRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with