^

Probinsiya

Bulkang Taal nag-alburoto, mga residente inilikas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Taal nag-alburoto, mga residente inilikas
Ang pagsabog ay naganap alas-6:06 ng gabi sa pangunahing bunganga ng bulkan na tumagal nang halos limang minuto. Naglabas ito ng madilim na kulay abong usok na umabot sa tinatayang 4,000 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagtala nang mahinang pagsabog o phreatomagmatic explosion ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas dahil sa interaksyon ng magma at tubig nitong Huwebes ng gabi. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dulot nang pagsabog ng bulkan, inilikas sa mga evacuation center ang mga residente sa ilang barangay sa paligid ng Lawa ng Taal sa Agoncillo, Batangas particular ang mga nasa komunidad na malapit sa Volcano Island.

Ang pagsabog ay naganap alas-6:06 ng gabi sa pangunahing bunganga ng bulkan na tumagal nang halos limang minuto. Naglabas ito ng madilim na kulay abong usok na umabot sa tinatayang 4,000 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan.

Ayon kay Agoncillo Mayor Cinderella Reyes, magkakatulong ang rescue teams mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Agoncillo PNP, at Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) gayundin ang Philippine National Red Cross para alalayan at tulungan ang mga apektado ng pagsabog.

Aniya, kabilang sa mga inilikas ay ang mga residente ng Barangays Bilibinwang, Banyaga, at Subic Ilaya matapos maapektuhan ang mga lugar ng pagbuga ng abo ng bulkan at masansang na amoy ng asupre mula sa bulkan.

Nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Ayon naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), hahatiran nila ng tulong ang mga pamilyang nagsilikas dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Taal.

“Ang DSWD Field Office (FO) CALABARZON ay nakahandang magbahagi ng tulong sa mga lokalidad na malapit sa Bulkang Taal. Sa katunayan, higit 218,000 family food packs (FFPs) ang nasa iba’t ibang warehouses sa rehiyon. Maaaring i-augment agad ito sa probinsya ng Batangas at mga karatig na lugar na apektado ng pag-aalburoto ng bulkan,” pahayag ni DSWD Assistant Sec. Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DRMG) kahapon.

PHILVOCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with