^

Metro

54 pamilya apektado ng sunog sa Muntinlupa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
54 pamilya apektado ng sunog sa Muntinlupa
Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station na nagsimula ang sunog dakong alas-6:16 ng gabi ng Oktubre 8, sa Purok 4 Extension, Alabang, na umakyat lang sa unang alarma alas-6:23 ng gabi.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Nasa 54 pamilya o 171 indibidwal ang apektado ng sunog na sumiklab sa isang residential area sa Brgy. Alabang, Muntinlupa, nitong Huwebes.

Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station na nagsimula ang sunog dakong alas-6:16 ng gabi ng Oktubre 8, sa Purok 4 Extension, Alabang, na umakyat lang sa unang alarma alas-6:23 ng gabi.

Pagsapit ng alas-7:17 ng gabi ay idineklarang fire under control at tuluyang naapula alas-7:55 ng gabi.

Nasa kabuuang 26 na truck ng bumbero na kinabibilangan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at volunteers.

Sa isinagawang mapping at assessment ng Social Services Department (SSD) iniulat naman kay Mayor Ruffy Biazon na nasa 30 kabahayan ang natupok.

Nabigyan ng non-food items tulad ng sleeping kits at hygiene kits, at food packs ang mga pamil­yang apektado, na karamihan ay nanunuluyan sa covered court ng Alabang Elementary School.

Kabuuang 16 na fire truck, 10 volunteer truck, isang ambulansya, at isang rescue vehicle ang rumesponde sa insidente. Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.

BFP

SSD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with