Col. Claravall ng Nueva Ecija, hataw vs kriminalidad!
ANIM na buwan pa lang si Col. Ritchie Claravall bilang provincial director ng Nueva Ecija subalit hataw na ang kanyang accomplishment kontra kriminalidad. Sa liderato ni Claravall, hindi lang puro checkpoint at police visibility ang pinapairal. Sa Nueva Ecija, ang marching order ay simple: Kung may krimen, tugisin. Kung may warrant, arestuhin. Kung may ilegal na baril, kumpiskahin. Kung may kontrabando, harangin. Kaya’t hindi nakakapagtaka na sa operational record ng NEPPO mula March 10 hanggang September 22, 2026, kapansin-pansin ang sabay-sabay na kampanya kontra droga, wanted persons, loose firearms, smuggling at insurgency. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa droga pa lang, 1,179 operations ang isinagawa ng mga tauhan ni Claravall na nagresulta sa pagkakaaresto ng 1,529 katao. Nasamsam din ang mahigit 3.09 kilo ng droga at 914.13 gramo ng marijuana, na tinatayang nagkakahalaga ng P22.1 milyon. Hindi rin nakalusot ang mga wanted. Umabot sa 1,220 wanted persons ang naaresto?189 Most Wanted Persons at 1,031 ordinary wanted persons. Sa kampanya kontra loose firearms, 178 baril ang nakumpiska at 176 katao ang naaresto. May 377 loose firearms ding isinuko sa Balik-Baril Program at 236 ang idineposito para sa safekeeping. May hataw din kontra smuggling: 581 operations, 100 arrests, at halos P31.9 milyon halaga ng mga nakumpiskang kontrabando. Sa anti-insurgency campaign naman, 20 CTG personalities ang sumuko, 19 firearms ang isinurrender at 108 individuals ang nag-withdraw ng support. Anong sey n’yo mga kosa?
Ang mga numerong ito ay bahagi ng mas malawak na operational push ng PRO3 sa pamumuno ni Brig. Gen. Jess B Mendez, habang nakaangkla naman sa PNP Focused Agenda ni PNP Chief Gen. Jose Melencio C ‘‘Tateng” Nartatez Jr. Purbidang yawaahhhhh! Sa madaling salita, malinaw ang chain of command: may direksiyon mula kay Nartatez, may regional push mula kay Mendez, at sa Nueva Ecija, si Claravall ang kailangang mag-convert niyan sa resulta sa ground. Mismooooo!
At mukhang ginagawa naman. Droga, wanted, baril, smuggling, insurgency sabay-sabay ang pressure. Sa police work, hindi naman meeting ang binibilang sa dulo ng araw. Resulta ang tinitingnan.Trabaho lang. Tuluy-tuloy. Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!
- Latest















