^

Punto Mo

El Niño: Halimaw na dapat paghandaan

PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Ilang ulat at eksperto ang gumamit ng pangalang Godzilla bilang paglalarawan sa pambihirang lakas ng El Niño ngayong taon. Ang Godzilla, siyempre, ay isang malaking halimaw sa pelikula. Mas kilala naman sa mundo ng agham ang El Niño bilang isang likas na climate phenomenon na may malaking epekto sa panahon sa maraming bahagi ng mundo tulad sa Pilipinas.

Sa pinakasimpleng paliwanag, ang El Niño ay kaugnay ng hindi pangkaraniwang pag-init ng ibabaw ng karagatan sa gitna at silangang bahagi ng tropical Pacific. Dahil dito, nagbabago ang karaniwang galaw ng atmospera at mga pattern ng ulan at temperatura sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang pangalang El Ni? ay Kastila na nangangahulugang “ang batang lalaki.” Tinawag itong El Ni? de Navidad dahil napansin noong araw ng mga mangingisda sa baybayin ng Peru at Ecuador ang kakaibang pag-init ng tubig-dagat malapit sa panahon ng Pasko. Ang pangalang ito ay hindi nangangahulugang ang El Niño ay nangyayari lamang tuwing Pasko.

Kulang ang espasyo ng kolum na ito para sa kumplikadong paliwanag tungkol sa El Niño. Sapat nang malaman na nagiging mas mainit ang panahon at kumokonti ang ulan sa ilang lugar. Kapag nagtagal ang kakulangan ng ulan, maaaring bumaba ang lebel ng tubig sa mga dam, ilog at iba pang pinagkukunan ng tubig. Apektado rin ang mga magsasaka kapag kulang ang tubig para sa kanilang mga pananim.

Hindi pare-pareho ang epekto ng El Niño sa buong bansa. May mga lugar na maaaring makaranas ng mas tuyong kondisyon, samantalang ang ibang bahagi, depende sa umiiral na weather systems gaya ng Habagat, ay maaari pa ring makaranas ng malakas na ulan.

Nariyan na ang El Niño mula pa noong Hunyo. Aktibo na ito noong Setyembre at maaaring lumakas pa sa mga huling buwan ng 2026 at magpatuloy hanggang 2027.

Unang dapat pag-isipan ay tubig. Hindi kailangang hintayin na mawalan ng tubig ang isang komunidad bago matutong magtipid. Iwasan ang walang-kabuluhang pag-aaksaya ng tubig. Ugaliing mag-imbak ng tubig hangga’t maaari.

Hindi lamang init ang dapat paghandaan. Kapag naging limitado ang tubig, apektado ang mga pananim, maaaring tumaas ang presyo ng mga bilihin at lumitaw ang iba’t ibang sakit na may kaugnayan sa kakulangan ng malinis na tubig.

May babala na. May mga pagtataya na. May panahon pa para maghanda. Ang El Niño ay isang likas na pangyayari at hindi natin ito mapipigilan, pero mapaghandaan.Mas mabuting maghanda habang may tubig pa kaysa magtipid lamang kapag wala nang tumutulo sa mga gripo.

. . .

Email- [email protected]

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with