Caloocan, Red Cross nagbukas ng bagong emergency facility
MANILA, Philippines — Nagbukas ang Caloocan City government at Philippine Red Cross (PRC) ng bagong sub-office sa Barangay 176, Bagong Silang, North Caloocan nitong Huwebes para mapabilis ang emergency response at mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga residente.
Ang dalawang palapag na gusali na ipinagkaloob ng lungsod sa PRC ay magsisilbi sa mga residente ng Bagong Silang, Deparo, Camarin at mga kalapit na lugar.
Kabilang sa mga serbisyong ilalaan dito ang blood services, first aid training at disaster response upang matugunan ang pangangailangang pangkalusugan at emergency ng mga residente.
Pinangunahan nina Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at PRC Secretary General Dr. Gwen Pang ang pagbubukas at blessing ng pasilidad, kasama ang mga opisyal at volunteer ng PRC Caloocan City Chapter.
Kasabay ng inagurasyon ang health caravan na nagkaloob ng libreng blood pressure check, blood typing, konsultasyong medikal, ultrasound, gamot at pagkain sa mga residente.
- Latest























