^

Metro

Mga bahay nina dating Speaker Velasco, ni-raid ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mga bahay nina dating Speaker Velasco, ni-raid ng NBI
Dating House Speaker Lord Allan Velasco
pna.gov.ph / Lord Allan Velasco Facebook page

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na pag-aari umano ni dating House Speaker Lord Allan Velasco at ng kanyang asawang si Rowena ang mga bahay sa Valle Verde Subdivision, Pasig City na ni-raid ng mga awtoridad noong Agosto 24, 2026.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, isinagawa ang raid gamit ang search warrant matapos makatanggap ang ahensya ng intelligence information hinggil sa umano’y pagkakaroon ng matataas na kalibre ng baril sa mga naturang ari-arian. Gayunman, walang baril o armadong tao na nakita sa loob ng mga bahay, ngunit nakumpiska ang ilang magazine at bala.

Sinabi ni Matibag na hindi alam ng NBI na pag-aari nina Velasco ang mga bahay dahil nakapangalan umano sa kanilang mga empleyado at isang kum­panya ang mga ari-arian. Ayon sa kanya, nalaman lamang ito nang ipatupad na ang search warrant at makumpirma ang pagmamay-ari ng mag-asawa.

Ilang araw matapos ang raid, bumiyahe patungong Japan ang mag-asawang Velasco at dapat sanang bumalik sa bansa noong Setyembre 14. Gayunman, sinabi ni Matibag na wala pa silang nakikitang rekord na nakabalik na ang dalawa sa Pilipinas.

Samantala, nasa gitna ng kontrobersiya si Velasco matapos akusahan ng dati niyang security detail na si dating pulis Rodulfo Gracioso na kabilang umano siya sa mga naghatid ng milyun-milyong pera sa ilang miyembro ng pamilya Duterte. Itinanggi na ng kampo ni Velasco ang alegasyon, habang sinabi naman ni Vice President Sara Duterte na hindi niya kilala si Gracioso.

LORD ALLAN VELASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with