^

Police Metro

‘True Brown Style’ kalat sa Metro Manila, 78 lalawigan - Jonvic

Angie dela Cruz - Pang-masa
‘True Brown Style’ kalat sa Metro Manila, 78 lalawigan - Jonvic
Interior Secretary Jonvic Remulla on January 15, 2026.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Interior Secretary Jonvic Remulla na kalat sa buong Metro Manila at maraming probinsya sa Pilipinas ang mga mi­yembro ng grupong “True Brown Style” (TBS),

Ayon kay Remulla, nagsimula ang grupo sa California 35 taon na ang nakalipas at nakarating sa Pilipinas 25 taon na ang nakalipas.

“Na-radicalize na sila. Ngayon, ang recruitment nila bago ka makapasok sa grupo, kailangan at gunpoint nakawan mo ang isang convenience store. Ayun ang initiations nila, at 16 years old tinuturuan na silang magnakaw,” ani Remulla.

May presensya aniya ang TBS sa bawat local government unit sa Metro Manila at karamihan sa mga miyembro nito ay nakasentro sa mga urban area.

“Of the 83 provinces, I think nasa 78 na sila eh na nandodoon sila eh. ‘Yung iba malaki, ‘yung iba maliit. Pero mostly sa mga urban center sila nagco-concentrate,” dagdag niya.

Sinabi rin ni ­Remulla na kumikilos na ang pulisya upang matukoy ang mga miyembro ng grupo.

GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with