Pagkakulong ni Martin may masama raw na pangitain?
LUMUTANG ang isang Rodulfo Gracioso Jr. at nangumpisal na naging tauhan siya ng dating House Speaker Lord Allan Velasco na nag-utos na mag-deliver ng mga maleta na naglalaman ng hindi bababa sa P2-B kay Sara Duterte at daang milyones din para kina Digong Duterte at Polong Duterte. Tumakas na nga ba si Lord Allan Velasco? Aba’y ayon sa batas ay guilty ang tumatakas sa pagsisiyasat. ‘Di ba?.
Kumplikado ang naging dahilan ni Gracioso kahit pumasa ito sa lie detector ng NBI sa sinabi nitong ginawa niya ang pag-amin dahil inagrabyado siya ni Speaker Velasco sa hindi pa maliwanag kung paano at totoong dahilan. Nabukulan ba si Gracioso o kuripot na amo lang si Velasco. Hhmn!
Kasunod ni Guteza noon ay lumutang ang 18 ex-marines soldiers at itinuro sina Zaldy Co at Martin Romualdez na promotor sa pagnanakaw ng bilyones na pera ng bayan na sa bandang huli ay bumaliktad rin at ang itinurong promotor sa script ay sina Mike Defensor at Rodante Marcoleta na nauna nang makulong. Ipinaaresto naman si Martin at ngayon ay nasa karsel na rin. Ano ngayon ang reklamo n’yo?
Pinsan at saradong kaalyado ni PBBM si Martin Romualdez na sinibak bilang Speaker of the House at inaresto habang nakaratay sa ospital. Hindi talaga mangingimi sina Ombudsman Boying at NBI Matibag na damputin ang may kasalanan at ikulong maging sino ka man. ‘Yan ang maaring mangyari ngayon.
Malamang na madiskaril ang pagmamagaling ni DPWH Sec. Vince Dizon dahil sa pahayag nitong walang ghost project sa Taguig. Nakaumang na sigurado ang kanyon ni Ping Lacson na alam ng marami na hindi nagmimintis. Pinagtatakpan kaya ni Vince si Alan Peter Cayetano? Dati kasing magkakuwadra ang dalawa. Naging Legislative consultant din ni Alan si Vince sa Senado samantalang Majority Floor Leader pa ito noong 2013-2016. Nakupo! Kaya pala sabay na nagpahaba ng balbas.
- Latest















