^

Bansa

Robredo-Pacquiao tandem sa 2028 malabo - Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Minaliit lang ng Malakanyang ang kumakalat na balita tungkol sa umano’y planong 2028 administration slate nina Naga City Mayor Leni Robredo at dating senador Manny Pacquiao.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na wala siyang detalye tungkol dito dahil nakatutok lang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang trabaho.

“Ang tutok po ng Pangulo, unang una, kailangan tugunan ang problema sa paparating  na Super El Niño. Marami pa pong dapat tugunan, pati po itong mga isyu tungkol sa krisis sa Middle East,” ayon kay Castro.

Maaga pa rin aniya para pag-usapan ang tungkol sa eleksyon.

“Sa ngayon po ay hindi politika o pamumulitika ang iniisip ng administrasyon. So, trabaho lang po muna tayo, huwag puro eleksyon, eleksyon, aksyon, aksyon muna” giit pa ni Castro.

Ang reaksyon ni Castro ay dahil sa pahayag ni political strategist Lito Banayo sa isang interview na plano ng Palasyo na kunin si Robredo at Pacquiao bilang standard bearers ng administrasyon sa 2028 elections.

‘Lito Banayo” As in Lito Banayo” Sarili niyang political strategy? Hindi naman siya parte ng administrasyon,” saad ni Castro.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with