PANOORIN: Pilipinas nanawagan sa UN ng agarang ceasefire sa Gaza
MANILA, Philippines — Nanawagan si Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro ng agarang at tuloy-tuloy na ceasefire sa Gaza habang iginiit ang kahalagahan ng international law sa pagresolba ng mga alitan sa kanyang talumpati sa 81st United Nations General Debate noong Setyembre 26.
Muling ipinahayag ni Lazaro ang suporta ng Pilipinas sa karapatan ng Palestinian people sa self-determination at sa two-state solution.
Ayon sa kalihim, naniniwala ang Pilipinas na ang two-state solution ang tanging mabubuhay na landas tungo sa pangmatagalang kapayapaan, kung saan mamumuhay nang magkatabi ang Israel at Palestine sa kapayapaan at seguridad.
Nanawagan din siya para sa proteksyon ng mga sibilyan, pagpapalaya sa lahat ng hostages at pagsunod ng lahat ng panig sa international law, kabilang ang international humanitarian law.
Binigyang-diin din ni Lazaro ang papel ng international law sa mga usaping pandagat, kabilang ang West Philippine Sea. Aniya’y ito final at legally binding.
Iginiit ni Lazaro na dapat lutasin ang mga alitan sa pamamagitan ng diplomasya at batas, sa halip na dahas o paggamit ng puwersa.
- Latest


















