^

PSN Palaro

Hornsby isasalang muna ng TNT kapalit ni Rahlil

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Hornsby isasalang muna ng TNT kapalit ni Rahlil
Si Nick Hornsby ang bagong import ng Tropang 5G.

MANILA, Philippines — Namumuro nang mag­balik ang pambatong import na si Rondae Hollis-Jefferson subalit habang naghihintay ang reigning champion na Talk ‘N Text ay isasalang muna nito ang bagong import na si Nick Hornsby para sa natitirang bahagi ng PBA Season 50 Governors’ Cup.

Nag-eensayo na si Hollis-Jefferson matapos ang halos isang taon buhat nang magtamo ng Achilles injury sa kanang paa nang magsilbing guest import para sa Meralco sa EASL noong nakaraang Dis­yembre.

Umaasa ang Tropang 5G na magiging handa na sa quarterfinals si Hollis-Jefferson at habang wala pa siya ay si Hornsby muna ang masasandalang reinforcement para palakasin ang tsansa nito sa pagdepensa ng korona.

Papalitan ni Hornsby ang kapatid ni Rondae na si Rahlil na nadala ang TNT sa 4-4 kartada s Group A bago mahinto ang Go­vernors’ Cup dahil sa kampanya ng all-PBA Gilas Pilipinas sa Asian Games.

Umuwi muna ang magkapatid na Hollis-Jefferson sa Amerika dahil sa pagpanaw ng kanilang lola kaya kinailangan ng TNT ng bagong import mula sa Irvine, California.

Kagabi inaasahang dumating si Hornsby na kagagaling lang sa kampanya para sa Hangtuah Jakartada sa Indonesia Basketball League.

May karanasan din ang undrafted player noong 2017 NBA Draft sa Germany, Israel, Canada at Mexico bago magawi sa Southeast Asia upang maglaro sa Indonesia at tsaka ngayon sa Pilipinas matapos maglaro sa Sacramento State sa US NCAA.

Inaasahang hindi muna isasalang ni coach Chot Reyes ang 31-anyos na si Hornby sa huling PBA on Tour game bukas sa Candon City Arena sa Ilocos Sur kontra sa Rain or Shine.

Magbabalik-aksyon ang PBA sa Oktubre 7 para sa debut ni Hornsby kontra sa Terrafirma pagkatapos ng duwelo ng lider na NLEX at guest team na Macau sa Ninoy Aquino Stadium.

Lagpas 2 buwang natengga ang PBA upang suportahan ang Gilas sa Asian Games kaya nagdaos muna ng PBA on Tour exhibition games sa Bulacan, Isabela, Batangas, Maynila at Ilocos Sur upang hindi kalawangin ang mga koponan at manlalaro nito.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with