^

PSN Opinyon

Supreme Court vs Congress: Sino ang tama?

PULSOhan - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

May hangganan ba ang kapangyarihan ng Supreme Court? Iyan ang tanong matapos nitong utusan ang Congress na magpasa ng Anti-Political Dynasty Law. Hindi ako tutol sa layunin ng Constitution laban sa political dynasties. Pero ang posisyon ko: hindi ako sang-ayon na mandamus ang gamitin upang pilitin ang Congress na magpasa ng batas.

Article VI, Section 1 is direct: legislative power is vested in Congress. Ang paggawa ng batas ay hindi ministerial act. May hearings, deliberation, amendments, three readings, voting, bicameral action at presidential consideration. Iyan ay legislative judgment.

Totoo rin ang Article II, Section 26: the State shall pro­hibit political dynasties “as may be defined by law.” At may kapangyarihan ang Supreme Court sa Article VIII na tukuyin kung may grave abuse of discretion ang anumang branch. Maaari nitong ideklara na may constitutional duty ang Congress.

Dito dapat malinaw ang linya: ang power to declare a violation ay hindi awtomatikong power to compel legislation. Maaaring sabihin ng Korte na obligasyon ang Congress. Para sa akin, ibang usapan kapag mandamus ang ginamit upang utusan itong magpasa ng batas.

Bakit? Dahil ang mandamus ay para sa tungkuling walang natitirang discretion sa act na ipagagawa. Samantalang ang legislation ay puno ng discretion—definition, coverage, degree of relationship, prohibited acts, exceptions, sanctions at enforcement.

Mismong ruling ang kumikilala na Congress pa rin ang magtatakda ng definition at scope ng anti-dynasty prohibition. Kung nasa Congress ang substance, paano magiging purely ministerial ang mismong paggawa ng batas?

Dito ko nakikita ang panganib ng constitutional crisis. Judicial review must remain judicial review. Kapag ang remedy ay umabot sa compulsory legislation, kailangang itanong: sino ang gumagamit ng legislative power? Kung maaari ito ngayon, ano ang limitasyon ng precedent bukas?

Hindi ito pagtatanggol sa political dynasties. Ito ay pagtatanggol sa constitutional boundaries. Maaaring obligahin ng Constitution ang Congress na harapin ang political dynasties, pero ang paggawa ng batas ay legislative function. Congress legislates; the Supreme Court adjudicates. Kapag pinaghalo ang dalawang kapangyarihang iyan, separation of powers ang inilalagay sa panganib.

POLITICAL DYNASTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with