^

PSN Opinyon

Paalam, No. 1 Governor Dax Cua

ON POINT - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

May mga public servant na kilala dahil sa posisyon, at may mga lider na naaalala sa paglilingkod. Para sa akin, si Quirino Governor Dakila “Dax” Cua was one of the few good men in public service—mahusay na lider at mabuting tao.

Nang iuwi ang kanyang mga labi sa Quirino, maraming nag-abang sa kalsada para magbigay-galang. Nang ibalik siya sa Manila, marami ang nagluksa. Kapag kusang luma­labas ang tao para ihatid ka, may ibig sabihin iyon.

Doon mo makikita: kapag mahusay kang naglingkod, marunong ding sumukli ang bayan. Hindi titulo ang dahilan kung bakit may naghihintay sa daan. Ang respeto ay nabu­buo sa tunay na serbisyo.

Nagsimula si Dax bilang vice governor noong 2001 sa edad na 23, naging governor noong 2007, congressman ng Quirino mula 2010 hanggang 2019, at bumalik bilang governor noong 2019. Halos 25 taon ang inilaan sa public service.

Sa Kongreso, pinamunuan niya ang Ecology at Ways and Means committees at naging principal author ng Free Internet Access in Public Places Act at TRAIN Act. Pinamunuan niya ang ULAP, League of Provinces at UCLG ASPAC.

Pagdating sa Manila, bumuhos ang luha. Speaker Bojie Dy, former Speakers, lawmakers at mga kaibigan ay nagbi­gay-galang. Sa eulogy na nasaksihan ko, sinabi ni former Speaker Sonny Belmonte Jr. na si Dax ay consistent top-performing governor in the Philippines.

Hindi ako nagtaka. Sa RPMD, nakita rin namin ang con­sistency ng kanyang trust at performance. Paulit-ulit siyang nanguna sa aming assessments at kinilala bilang No. 1 Governor in the Philippines.

Madaling maintindihan kung bakit marami siyang kaibigan. Si Gov. Dax, kahit minsan mo lang makausap, parang matagal mo nang kakilala—walang yabang, madaling lapitan at mabuting tao. Kaya personal nang tanggapin ni Cong. Midy Cua ang RPMD Lifetime Achievement Award.

Hindi ranking o titulo ang pinakamalaking parangal kay Dax. Nasa mga naghintay sa Quirino, sa mga luhang pumatak sa Manila, at sa mga kaibigang nanghinayang. Halos 25 taon siyang naglingkod, at pagmamahal ang sumalubong sa pag-uwi. Paalam, No. 1 Governor Dax Cua.

DAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with