Gilas Women ikakasa No. 1 spot vs Japan

MANILA, Philippines — Itutuloy ng Gilas Pilipinas Women ang arangkada sa group stage ng women’s 5x5 basketball tournament sa pagsagupa sa host Japan sa 20th Asian Games sa Aichi International Arena.
Lalabanan ng mga Pinay cagers ang mga Japanese ngayong alas-12 ng tanghali sa kanilang agawan sa top seed sa Group B papasok sa quarterfinals na didribol sa Huwebes.
Dalawang sunod na panalo ang itinala ng World No. 30 Gilas Women mula sa 86-59 paglamog sa No. 69 Kazakhstan at 90-73 pagrapido sa No. 105 Hong Kong.
Tatlong dekada nanirahan si coach BT Toews sa Japan bago hugutin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para palitan si Patrick Aquino bilang mentor ng Gilas Women.
Humawak siya ng ilang Japanese professional teams.
“It takes on a different kind of feeling for me, but when the game comes, I’ll be completely focused and probably acting like a crazy man on the sidelines, trying to do this and that,” sabi ng 60-anyos na si Toews.
- Latest


















