Barangay Chairman dapat may civil service eligibility - Remulla

MANILA, Philippines — Naniniwala si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may civil service eligibility ang mga barangay chairman bilang requirement sa mga nais maging punong barangay.
Ayon kay Remulla, ito’y bahagi ng panukalang pagrepaso sa sistema ng barangay kung saan dapat mas mataas ang qualification ng mga namumuno rito. Sa kasalukuyan, hindi kinakailangang may civil service eligibility ang isang kandidato sa pagka-punong barangay.
Nabatid sa CSC na may Barangay Official Eligibility na ipinagkakaloob sa mga punong barangay, regular na kagawad, SK chairperson, barangay treasurer at secretary matapos makumpleto ang kanilang termino o kinakailangang panahon ng serbisyo.
Kasabay nito, sinabi ni Remulla na kailangang pag-isipang muli ang sistema ng barangay upang mapalakas ang frontline services ng pamahalaan.
Binanggit din niya ang kanyang puna sa mga tindahang nakaharang sa mga bangketa, na aniya’y nagiging dahilan para mapilitan ang mga pedestrian na maglakad sa kalsada.
- Latest


















