^

Bansa

DMW: Walang Pinoy na nasaktan sa Houthi attacks sa Riyadh

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DMW: Walang Pinoy na nasaktan sa Houthi attacks sa Riyadh
This video grab taken from UGC images posted on social media on September 19, 2026, shows smoke rising near Riyadh airport. Black smoke and flames rose near Riyadh's international airport on September 19, as Yemen's Houthis announced they had carried out strikes on targets in the Saudi capital and coastal oil facilities.
@Hey_Itsmyturn / X / AFP

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pinoy na nasaktan sa drone at ballistic missile attacks na inilunsad ng Houthi militants sa Riyadh, Saudi Arabia, noong Biyernes at Sabado.

Sa isang news release, tiniyak din ng DMW na masusi nilang minomonitor ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Saudi Arabia upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Siniguro rin nila na handa ang embahada at konsulado na tulungan ang nangangailangang OFWs doon.

Una nang sinabi ni Houthi military spokesman Yahya Saree noong Sabado na isang grupo ang nagsagawa ng military operations at tinarget ang ilang sensitibong site sa Riyadh, gayundin ang Aramco facilities sa Yanbu, bilang ganti sa mga naunang pag-atake sa Sanaa, na kapital ng Yemen.

Pinayuhan naman ng DMW ang mga Pinoy sa naturang bansa na manatiling vigilante at tumalima sa mga safety instructions at advisories na ipinalalabas ng Saudi authorities.

Ang mga OFWs at kanilang pamilya na nangangailangan anila ng agarang tulong ay maaaring kumontak sa Migrant Workers Offices ng DMW sa Saudi Arabia o sa kanilang hotline na 1348 para sa mga nasa Metro Manila, 02 1348 sa nasa labas ng Metro Manila, at +632 1348 para sa mga nasa ibayong dagat.

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with