Palasyo: Roque, umuwi na at harapin ang kaso
MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Malakanyang si dating Presidential Spokesman Harry Roque na umuwi na sa bansa at harapin ang mga kasong kinakaharap niya, matapos ibasura ng Austria ang kanyang aplikasyon para sa asylum.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung naniniwala si Roque na malinis ang kanyang pagkatao, dapat niyang ipakita ang tapang na humarap sa korte. “Kung alam mong wala kang kasalanan, ipakita mo ang ebidensya para malinis ang iyong pangalan,” ani Castro.
Dagdag pa niya, hindi maaaring gamitin ang impluwensya, kapangyarihan, o suporta ng taumbayan upang makaiwas sa mga akusasyon.Si Roque ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking kaugnay ng umano’y ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Lucky South 99.
- Latest




















